
Nina Vhioly Rosatazo at Roel Arizala
STA. MARIA, Bulacan — Muling naihatid ang burial at medical assistance sa mga pamilyang nangangailangan bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng tanggapan ni Congressman Salvador Aquino Pleyto at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ni Cong. Ador na makatulong ang programa sa mga pamilyang dumaranas ng mabigat na gastusin dahil sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay o sa pangangailangang medikal.
Sa pamamagitan ng financial assistance, nababawasan kahit paano ang pasaning kinakaharap ng mga benepisyaryo sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Pinangunahan ni Congressman Pleyto, katuwang ang DSWD at kasama si Mayor Omeng Ramos, ang proseso ng pamamahagi at pag-asikaso sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Para sa mga tumanggap ng burial assistance, malaking tulong ito upang matugunan ang ilan sa mga gastusing kaakibat ng pagpapalibing. Samantala, ang medical assistance ay inilaan upang makatulong sa gastusin para sa pagpapagamot, gamot at iba pang kinakailangang serbisyong pangkalusugan, depende sa assessment at programa ng DSWD.
Binigyang-diin naman na ang mga ganitong programa ay nangangailangan ng maayos na dokumentasyon at pagsusuri upang matiyak na ang tulong ay napupunta sa mga kwalipikadong aplikante.
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na buhay, ang burial at medical assistance ay nagsisilbing karagdagang suporta sa mga pamilyang kapos at nangangailangan ng agarang tulong.
Nagpasalamat naman ang mga nakatanggap ng tulong mula sa kongresista.
Kasama rin sa pamamahagi sina former Mayor Yoyoy Pleyto, DC George Bautista, Konsehal Lito Jacinto at Konsehal Rico Sto. Domingo.
elamigo/
