
Ni Vhioly Rosatazo
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nasa 3.45 metro na lamang ang pagitan ng taas ng tubig sa Angat Dam sa kritikal nitong antas na 160 metro (M).
Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bulacan, ang lebel ng tubig sa dam ay nasa 163.57 M noong alas-6:00 ng umaga noong Hunyo 24 at unti-unting bumaba sa 163.45 M pagsapit ng alas-11:00 ng umaga.
Ang kasalukuyang lebel ng tubig ay 16.55 M na mas mababa kaysa sa minimum operating level na 180 M at 48.55 M na mas mababa sa normal high water level na 212 M para sa panahon ng tag-ulan.
Noong 2019, bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam hanggang sa kritikal na antas na 160 M, na nagresulta sa rotational water service interruptions sa Metro Manila.
Ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam ay pangunahing nakalaan para sa pangangailangan ng mga residente ng Metro Manila, kasunod ang karagdagang hydropower generation para sa Luzon Grid, at panghuli ang suplay ng irigasyon para sa Bulacan at ilang bahagi ng Pampanga.
Sa kasalukuyan, itinigil na ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon ng humigit-kumulang 25,000 ektarya ng mga palayan sa Bulacan at ilang bahagi ng Pampanga.
Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng mahigit 90 porsiyento ng pangangailangan sa hilaw na tubig ng Metro Manila. ia/
