May 3, 2026

Mahigpit ang kampanya ng ating Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa mga iligal na pasugalan, POGO, droga at lalo na sa kontrobersyal na Ghost Projects subalit, tila bulag ang mga kapulisan dito. Tama kaya ang akin sapantaha?

Gaya na lamang diyan sa lalawigan ng Pangasinan na kung saan isang Konsehal diumano sa bayan ng San Fabian ang siyang nagmamay-ari ng iligal na pasugalan sa bayan ng Laoac.

Aba teka, konsehal ka pa naman ng bayan sa san Fabian tila may kakapalan yata ang mukha ni sir, at siya pa raw ang mismong sumasalubong sa mga parokyano,, wowowo!

Ano kaya masasabi ng kanilang hepe na si PMAJ Napoleon M. Eleccion. Gayun din ang Mayor nito na si Mayor Ricardo D. Balderas.

Alam nyo po ba ito mga bossing? Okey lang po ba sa inyo na ang konsehal niyo po Mayor ay nangunguna sa iligal na pasugalan?

At ayon sa akin bubuwit number pa ito.. COP Balderas huwag naman mag bulagbulagan baka pwede naman aksyunan ito at ipasarado nyo.

Unless na may kinalaman po kayo sa sinasabi ng mga otaw na malaki ‘di umano ang “timbre” rito.

Nagtatanong lang po si Tiger Lady.

May isang kaso pa diyan sa Mangatarem na super lapit ng Police Station tila na “stroke” na ang mga kapulisan at hindi diumano makakilos sa mga reklamong iligal na pasugalan at tila kapag may nag reklamao ang daming dahilan.

Paging COP PMAJ Arturo Melchor Jr, galaw-galaw po tayo Sir baka ma-stroke.

Paging Regional Director Dindo R. Reyes at Provincial Director Arbel Mercullo ng Pangasinan!

Nananawagan ang inyong lingkod sa agaran aksyon mga sir.

Bakit namamayagpag ang mga iligal na pasugalan sa lugar nyo sa anung dahilan po at tila walang aksyon ang mga reklamo?

Nag tatanong lang po…Abangan!

Disclaimer/Waiver:
The views, opinions, and statements expressed in this column are solely those of the author. They do not constitute, and shall not be construed as, the views, positions, or official policy of the publication, its affiliates, management, or employees. The publication assumes no responsibility or liability for any claims, damages, or consequences arising from the content of this column.

Leave a Reply

Discover more from MASID News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading