MANILA – Patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang tatlong sistemang pang-panahon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo.
Sa 4 a.m. weather advisory, sinabi ng PAGASA na magdadala ang shear line ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas at mga lalawigan ng Palawan, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, at Romblon.
Makakaranas din ng maulap na panahon na may mga pag-ulan ang Caraga dulot ng easterlies.
Samantala, magpapatuloy ang northeast monsoon o amihan na magdala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, at buong rehiyon ng Bicol.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Makakaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan, ngunit hindi ito inaasahang magdudulot ng malaking epekto.
Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulongs pag-ulan o thunderstorms ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao. Posible rin ang biglaang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing malalakas na thunderstorms.
