September 6, 2026

Ni Vhioly Rosatazo Arizala

NORZAGARAY, Bulacan — Ayon kay Cong. Pleyto, isang karangalan ang magsilbing guest speaker sa ika-16 na Commencement Exercises ng Norzagaray College na ginanap sa Jesus Is Lord Church Camp Praise Valley, na may temang:
“𝑵𝑪 𝑮𝒓𝒂𝒅𝒖𝒂𝒕𝒆𝒔: 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝑮𝒍𝒐𝒃𝒂𝒍 𝑮𝒐𝒂𝒍𝒔.”

Sa kanyang mensahe sa mga nagsipagtapos, binigyang-diin niya ang mahalagang tanong: “𝑺𝒂𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒕𝒖𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒓𝒊𝒕𝒐?”

Ito’y Isang tanong na hindi nangangailangan ng agarang sagot, kundi ng tapang na harapin ang susunod na hakbang sa kanilang buhay. Marahil, hindi rito nagtatapos ang kanilang mga pangarap, kundi dito nagsisimula ang panibagong yugto ng kanilang paglalakbay.

Kaya’t ating sinusuportahan ang panukalang batas sa Kongreso na pinamagatang:
“An Act Strengthening Employment Facilitation Through the Establishment of Job Placement Offices in Higher Educational Institutions and Other Employment-Promoting Institutions” na layuning tulungan ang mga fresh graduates na makahanap ng trabahong angkop sa kursong kanilang tinapos ayon pa sa mambabatas.

Tunay na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga titulo o parangal, kundi sa mga buhay na ating natutulungan, mga suliraning ating nalulutas, at sa positibong pagbabagong naidudulot natin sa lipunan.

“Muli, taos-pusong pagbati sa Class of 2026! Nawa’y patuloy kayong mangarap, magsikap, at maging instrumento ng pagbabago saan man kayo dalhin ng inyong landas,” aniya pa. ia/

Leave a Reply

Discover more from MASID News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading