
Ni Vhioly Rosatazo Arizala
NORZAGARAY, Bulacan — Ayon kay Cong. Pleyto, isang karangalan ang magsilbing guest speaker sa ika-16 na Commencement Exercises ng Norzagaray College na ginanap sa Jesus Is Lord Church Camp Praise Valley, na may temang:
โ๐ต๐ช ๐ฎ๐๐๐
๐๐๐๐๐: ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฎ๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐.โ
Sa kanyang mensahe sa mga nagsipagtapos, binigyang-diin niya ang mahalagang tanong: โ๐บ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐?โ
Ito’y Isang tanong na hindi nangangailangan ng agarang sagot, kundi ng tapang na harapin ang susunod na hakbang sa kanilang buhay. Marahil, hindi rito nagtatapos ang kanilang mga pangarap, kundi dito nagsisimula ang panibagong yugto ng kanilang paglalakbay.
Kayaโt ating sinusuportahan ang panukalang batas sa Kongreso na pinamagatang:
โAn Act Strengthening Employment Facilitation Through the Establishment of Job Placement Offices in Higher Educational Institutions and Other Employment-Promoting Institutionsโ na layuning tulungan ang mga fresh graduates na makahanap ng trabahong angkop sa kursong kanilang tinapos ayon pa sa mambabatas.
Tunay na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga titulo o parangal, kundi sa mga buhay na ating natutulungan, mga suliraning ating nalulutas, at sa positibong pagbabagong naidudulot natin sa lipunan.
“Muli, taos-pusong pagbati sa Class of 2026! Nawaโy patuloy kayong mangarap, magsikap, at maging instrumento ng pagbabago saan man kayo dalhin ng inyong landas,” aniya pa. ia/

