May 22, 2026

Ni Vhioly Rosatazo

SANTA MARIA, Bulacan — Opisyal nang sinimulan ang tatlong araw na pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Santa Maria Campus na may temang “Sambisig sa Ika-21: Dalawampu’t Isang Taon ng Pagsasama at Tagumpay.”

Pinangunahan ang pagbubukas ng programa ni Campus Director Dr. Arman Santos, na nagbigay ng pagbati at mensahe ng inspirasyon para sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng pamantasan.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, nagpaabot din ng pagbati ang isang kinatawan sa pamamagitan ni dating Konsehal Salvador “Badong” Pleyto, na kumatawan dahil sa hindi pagdalo ng orihinal na pinagmulan ng mensahe bunsod ng tungkulin sa Kongreso.

Sa mensahe, ipinaabot ang taos-pusong pagbati sa pamantasan sa mahalagang yugto ng pagdiriwang nito.

“Maligayang ika-21 anibersaryo, PUP Santa Maria Campus! Patuloy na magsilbing tanglaw ng edukasyon at pag-asa para sa kabataan.”

Leave a Reply

Discover more from MASID News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading