May 5, 2026
Imelda Papin

Ni Vhioly Rosatazo

MANDALUYONG CITY – Ipinagpatuloy ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbibigay ng tulong sa sektor ng kalusugan matapos itong mamahagi ng halos ₱100,000 halaga ng mga gamot at iba pang pangunahing pangangailangang medikal sa dalawang lokal na pamahalaan.

Ayon sa PCSO, ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nakatanggap ng humigit-kumulang ₱60,000 halaga ng iba’t ibang uri ng gamot. Pinangunahan ang pamamahagi ng Charity Sector ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Assistant General Manager Lauro Patiag, sa representasyon ni PCSO General Manager Melquiades Robles.

Ang awtorisasyon para sa paglalaan ng mga suplay ng gamot ay isinagawa sa pamamagitan ng tanggapan ni PCSO Director Imelda Papin at pormal na ipinagkaloob sa mga alkalde ng mga benepisyaryong lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag ng PCSO na ang mga tulong ay ipinamamahagi sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga medical mission at outreach program upang matulungan ang mga mamamayang may limitadong access sa serbisyong pangkalusugan.

Binigyang-diin ng ahensya na bahagi ito ng patuloy nitong adbokasiya na maihatid ang serbisyong medikal sa mga sektor na higit na nangangailangan, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Leave a Reply

Discover more from MASID News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading