May 3, 2026
Vice Gov Alex Castro (PEP.ph courtesy)

Ni Vhioly Rosatazo / Roel Arizala

Nanindigan si Bulacan Vice Governor Alex Castro na dapat magsimula sa mga opisyal ng gobyerno ang tunay na pagbabago, lalo na pagdating sa isyu ng political dynasty.

Ito ang kanyang pahayag sa ikaapat na araw ng public consultations kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Bill na ginanap sa Marilao, Bulacan noong Lunes, Pebrero 16.

Ayon kay Castro, tutol ang kanyang pamilya sa ideya na higit sa isa sa kanila ang tatakbo o hahawak ng posisyon sa gobyerno. Pinasinungalingan din niya ang mga usap-usapan na tatakbo bilang alkalde ang kanyang asawang si Sunshine Garcia ng SexBomb Girls, gayundin ang balitang tatakbo ang kanilang anak para sa Sangguniang Kabataan.

Si Castro ay isa sa mga panelist sa Day 4 ng mga pampublikong konsultasyon hinggil sa anti-political dynasty bill.

“Kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo. Kami pong pamilya, isa lang dapat ang nakaupo. Dahil kung ang nilalabanan natin ay ang sistema pero tayo rin ang gagaya rito, pinapakain lang din natin ang sistemang iyon,” ani Castro.

Aminado rin siyang kung nanaisin, madali para sa kanyang asawa at anak na manalo sa eleksyon dahil sa kasikatan at impluwensiya. “Kung gusto kong patakbuhin ang asawa ko, sasayaw lang ng SexBomb ‘yan, sigawan at hiyawan na ang mga tao. Ganun din sa anak ko sa SK—madadala ko,” aniya.

“Pero hindi tayo ganun. Isa lang ang dapat italaga sa pamilya. Kung gusto natin ng pagbabago, tayong mga pulitiko, simulan natin sa sarili natin,” dagdag pa niya. /elami

Leave a Reply

Discover more from MASID News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading