Vhioly Rosatazo
Camp General Alejo S. Santos, Malolos, Bulacan — Patuloy ang masigasig na kampanya ng Bulacan Police Provincial Office laban sa ilegal na droga matapos ang arestong isang suspek at ang pagkakasamsam ng tinatayang ₱476,000 halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation noong Enero 10, 2026.
Ayon kay PLTCOL Reyson M. Bagain, hepe ng San Jose del Monte City Police Station, bandang alas-5:30 ng hapon, isinagawa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng SJDM CPS ang isang buy-bust operation sa Brgy. Graceville, SJDM, Bulacan. Sa operasyon, nahuli ang isang high-value individual (HVI) matapos matagpuan sa kanya ang tatlong (3) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, kasama ang marked money, na nagkakahalaga ng ₱476,000.
Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM CPS at kakaharapin ang kasong paglabag sa Article II, Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165. Ihahanda rin ang mga ebidensya at dokumento para sa pagsusuri sa Bulacan Forensic Satellite Unit at sa pagsampa ng kaso sa tanggapan ng City Prosecutor.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Angel L. Garcillano, Provincial Director, at sa gabay ni PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3, ipinapakita ng Bulacan PNP ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
