
Nina Vhioly Rosatazo at Roel Arizala
STA. MARIA, BULACAN — Sa gitna ng pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, naging katuwang si Bokal Arthur “Art” Legaspi ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa pagsisikap na makapaghatid ng relief assistance sa mga residente ng Sta. Maria.
Pinag-ugnay ng tanggapan ni Bokal Art Legaspi at ni Akbayan Party-list Congresswoman Dada Kiram Usmila ang kanilang mga hakbang upang maipamahagi ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Kasama rin sa isinagawang pamamahagi si Mayor Omeng Ramos, na nakipagtulungan upang matiyak na makarating ang ayuda sa mga residente ng bayan.
Nakiisa rin si Bokal Jay De Guzman, gayundin si DC George Bautista, na kumatawan kay Congressman Salvador Aquino Pleyto na abala sa Kongreso. Kasama rin si Admin. Elmer Clemente.
Sa ganitong panahon, higit na mahalaga ang mabilis na pagtutulungan ng mga lokal na lider, organisasyon at mga katuwang sa pamahalaan upang maibsan, kahit kaunti, ang bigat na dinaranas ng mga pamilyang naapektuhan.
Para kay Legaspi, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa mga programa at proyekto, kundi sa kakayahang makapiling at makatulong sa mga mamamayan, lalo na sa oras ng pangangailangan.
Lubos ang kasiyahan ng mahigit 1,000 benepisyaryo mula sa bawat barangay ng Sta. Maria, Bulacan.
elamigo/
