
Ni Vhioly B. Rosatazo
STA. MARIA, Bulacan – Mula sa kahilingan ni Congressman Salvador Aquino Pleyto, mabilis na inaksyunan ng Bulacan 2nd District Engineering Office ng DPWH ang pag-aayos at paglilinis ng baradong kanal na matatagpuan sa M. Palad St., Barangay Poblacion, Norzagaray, Bulacan.
Sinimulan ang tatlong araw na paglilinis nitong Lunes at natapos nitong araw ng Miyerkules.
Kagyat ding tumugon ang lokal na tanggapan ng Bureau of Fire Protection upang ipagamit ang kanilang water tanker bilang suporta sa nasabing paglilinis.
Sa mga susunod na pagkakataon, inaasahan ang pangunguna ng komunidad, pamahalaang barangay, at lokal na pamahalaan na magtulungan upang mapanatili ang kalinisan sa nasabing lugar.
Walang humpay ang pasasalamat ng mga residente ng Poblacion sa agarang aksyon ng ama ng ika-anim na Distrito na si Ka Ador. Ayon sa kanila, matagal na nilang problema ang baradong kanal na nagsisilbing perwisyo sa mga residente.
Bagama’t simpleng problema lamang, malaking ginhawa umano ito sa kanilang komunidad.
Nagpahayag din sila ng pasasalamat sa DPWH sa mabilis na aksyon nito. Mabuhay kayo at nawa’y marami pang kagaya ninyo.
elamigo/
