
Ni Sahlee Inot
ANGAT, BULACAN — Sinaksihan ng mga mamamayan ng Angat ang blessing at pasinaya ng bagong gusali ng Munisipyo at Assembly Park sa bayan kamakailan.
Pinangunahan ni Punong Bayan Hon. Jowar Bautista ang seremonya kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Angat at mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan: Board Member Jay De Guzman at Board Member Art Legaspi mula sa ika-6 na distrito.
Naging panauhing pandangal at nagbigay ng talumpati sina Cong. Ador Pleyto, Kinatawan ng ika-6 na distrito sa Kongreso, at Hon. Alex Castro, Pangalawang Punong Lalawigan ng Bulacan.
Dahil sa suporta ng Kinatawan ng ika-6 na distrito sa Kongreso at ng Pamahalaang Panlalawigan, natupad ng mga mamamayan ng Angat ang matagal nang minimithi—ang magkaroon ng bagong Munisipyo at Assembly Park.
Ito ay bunga ng pagpupunyagi ng kanilang Punong Bayan at Sangguniang Bayan. /ia
